7:57 AM
wala lang. isang listahan ito ng mga bagay na ayokong nakikita, naririnig o pinipilit sakin at sa iba. ewan. basta di lang siya kanaisnais para sa akin.

1.first of all, mga RANDOM TEXTERS.
ang CELLPHONE ay CELLPHONE. hindi FRIENDSTER. hindi rin Y!M. sayang. tulad ng sabi ni Brandon, sayang nga at walang ignore features ang CELLPHONE.

owell. depende na yun. kinokonsinti ko yung quotes basta maganda. kinokonsinte ko rin yung mga taong na-wrongsend lang. madalas dinededma ko lang sila. :P
pero kung magtetekst ako, madalas mga taong sakop ng mundo ko lamang ang madalas kong itetekst. kung hindi 222, 2258 o 2870.

basta ganun.

2.MGA TAONG HINDI MAKAPAGHINTAY NG SAGOT [e.g. sa text]
hindi ako instant answering robot. lalo na kapag bakasyon, mejo mabagal akong mag-isip.
except kung nasa y!m ka o sa personal, o kaya nama’y kung napakaimportante ng mensahe.

3.MGA TAONG KINEKWESTYON ANG IBA KUNG WALA SILANG LOVE DAHIL LAMANG HINDI SILA PINAPANSIN.
makasarili iyon. take note, MAKASARILI.
tsaka oo nga pala, wala akong puso. nadissect na sha. :P

4.LOCAL TV.
duh. mas pangit na yung effects ng encantadia. halatang minamadali yung bawat episode.

hindi lang yun. 1% lang siya ng buong dahilan.

news na lang ata ang matinong palabas. pero kahit news, me bias paren. :(

5.BRITNEY SPEARS.
duh.

6.CHRISTINA AGUILERA.
ewan. baka ako lang ito. basta ayoko sa kanya. :P

7.SENTING MGA KANTA.
oo na, sabihin niyo nang nakikinig ako sa ILANG mga ganitong kanta. pero galit ako sa buong senti population. nabobobo lang lalo ang lipunan sa kanila. hmph.

buti pa jpop. di masyado maiintindihan. :P

8.MGA TAONG GINAGAMIT ANG KALIKASAN SA MALING PARAAN.
lalo na kung may pa-aylab-aylabneytsyur pang nalalaman dahil lang nagsusuot ng hikaw na gawa sa kabibe o kaya’y necklace na gawa sa perlas na ewan. try niyong magpaka-tarsan o amasona at baka magbago pa pananaw ko sa inyo.

9.CHAIN EMAILS.
lalo na yung ginagamit ang pangalan ng mga diyos. grrrr.
tsaka yung mga pekeng virus at yung yahoo is deleting accounts eklert.
bago kayo magspread ng ganyan try niyong magresearch ng 'yahoo account deletion' o 'friendster account deletion' sa yahoo!, google, gahooyoogle o kahit saan.
tsaka ilang beses na akong hindi nagspread niyan, at hindi naman ako namamatay, kinalulugdan, tinamtamaan ng kidlat, tinatakot ng multo, napaparatangang ateista (o di-makadiyos), o kinakaltasan ng yahoo o kaya friendster. mwahahaha.

10.MGA MAARTE KUNG MAGTEKST, MAGPOST ETC.
e.g. 'd pa me nkkako', 'you make tuhog-tuhog this...'
siyempre yung mga nagtitipid ng characters kinosonsinti ko. sayang nga naman ang piso lalo na sa ekonomiyang ito.
pero di ko alng magets kung bakit 'ME' pa yung kailangang gamitin kesa 'KO' o 'AKO.' wala namang gaanong diperensya, tapos madali namang itayp pareho.
grrr. kung magtataglish ka sige na magtaglish ka, pero please, 'don’t make babuy naman our languages.' iyan an nga lang ang tinuturo sa inyo, di niyo pa magamit nang mabuti. paano pa kaya kung turuan pa kayo ng japanese, baka ikagalit pa ng hapon. grooar.

11.GIRL STEREOTYPES.
ayoko ng: makeup, lipstick, boob enlarger, miniskirt, high heels, "kikay", etc. gets niyo naman. exceptions: PSHS uniform [na hindi naman miniskirt. :P], oekakish japese cosplay uniforms, lola keanna.

12.BIANCA AT ZANJOE. o sige na, PDA IN GENERAL.
ewan. sige na, comforting yun. pero sa akin lamang, mas komportableng yakapin ang unan.
tsaka at least, sina bianga at zanjoe, matured na. pero ayoko pa rin sa kanila.
-____-

13.PAMIMILIT NG PINANINIWALA.
.

14.YUNG SINASABIHAN KA BAWAT SANDALI KUNG ANO ANG GAGAWIN.
siyempre, kung wala akong masyadong alam sa isang bagay, handa akong tumanggap ng tulong at direksyon. obvious na ganun kung hihingi ako ng tulong. pero otherwise, hanggang general directions na lan muna ako, at ayokong sinasabihan ng kung anong dapat kong gawin. me sarili akong utak, at nakakapag-isip naman ito. kahit oti at minsan mali ang wiring. ^______^

marami pa yan... pero nekst taym na lang uli. wala lang akong magawa. Nakakainis lan. wakekekek ><

Wednesday, April 12, 2006
|
_______________________




LABAS.
personal. tag. links.